Sapat Na Ba Sa Nutrisyon Ang Pagkain Ng Anak Ko?

Sapat Na Ba Sa Nutrisyon Ang Pagkain Ng Anak Ko?

Sapat Na Ba Sa Nutrisyon Ang Pagkain Ng Anak Ko?

Article
Jul 13, 2023
3 mins

By: Judith Fatima E. Garcia, MD, FPPS

Assistant Professor, FEU-NRMF

Associate Professor, New Era College of Medicine

Simula taon 2018-2020, the Food and Nutrition Research Institute conducted the Expanded National Nutrition Survey na binubuo ng 48,530 pamilya sa buong Pilipinas at ang mga resulta ay nailathala noong 2021. Kasama sa mga subjects nitong survey ay mga bata mula edad  0 – 23 months old which accounted for 3.7% ng survey population. Sinukat ang height and weight at kumuha ng blood samples upang ma-check for anemia, micronutrient and mineral deficiencies. Pinalista din sa kanila o sa kanilang magulang ang mga kinain nila during the last 24 hours. Mula rito makikita kung sila ay naka-comply sa minimum diet diversity (5 food groups or more in the daily diet) at sa the minimum meal frequency per day.

Ayon sa mga resulta ng  Expanded National Nutrition Survey 2021, hindi nakaka-comply sa minimum diet diversity ang mga nasa pediatric population kaya sila ay may kakulangan sa mean daily energy requirement para sa kanilang edad. Maliban dito, meron din silang pagkukulang sa proteins at sa mga sumusonod na micronutrients

  • vitamin A
  • vitamin C
  • iron
  • calcium
  • Vitamin B complex vitamins (thiamin, riboflavin and niacin).1

The most common signs and symptoms of these micronutrient deficiencies are as follows:2

Vitamin A :

Nyctalopia or matang manok (mahirap makakita sa dilim)

Paulit-ulit na diarrhea at pneumonia

Vitamin B complex vitamins :

Thiamine deficiency:

Madaling mapagod and walang gana kumain

Riboflavin deficiency:

Pagbitak-bitak sa gilid at balat paikot ng labi

Niacin deficiency

Nanghihina at pagmamanhid

Vitamin C deficiency:

Matagal gumaling ang sugat

Namamaga at madaling dumugo ang gilagid

Iron Deficiency

Maputla at madaling mapagod

Zinc Deficiency

kulang sa tangkad

Madalas na pneumonia at diarrhea

Kung napapansin nyo ang ang simtomas na ito, dalin agad ang inyong anak sa inyong health care provider.

Sapat Na Ba Sa Nutrisyon Ang Pagkain Ng Anak Ko?

However, prevention is as important as early recognition of these micronutrient deficiencies. Mahalagang masigurong maiwasan ang deficiencies na ito upang ating ma-attain ang optimum overall growth at ang tuluyang ma-achieve ng mga bata ang kanilang developmental milestones expected of them. This is best done by consulting your health care providers as they can provide you with the most updated information about this matter.

Sapat Na Ba Sa Nutrisyon Ang Pagkain Ng Anak Ko?

References:

  1. Expanded National Nutrition Survey 2021
  2. Nelson’s Textbook of Pediatrics 21st Edition

Register Now!

  Register Now!

Get full access to expert-backed nutrition support

Feeding guidance

Learn about various feeding options and what each means for you and your child.

review logo

Expert Tips And Advice

Access helpful tips and advice tailored to your little one's development.

Free Samples

Receive tons of free samples from brands you and your baby will love!

Super-Sized Savings

Get Extra savings in your inbox and mailbox as your child grows.