Potty Training: Kaya Mo ‘Yan, Baby!
‘Pag ready na si baby sa potty training, try mo ang mga tips na ito para mapadali ang experience ninyo ni baby.
Siguraduhing familiar si baby sa potty. Ipakita mo na ginagamit ng buong pamilya ang potty. Ipaalam mo sa kanya na kasama ito sa daily life ninyong lahat at kailangan din isama sa daily life ni baby.
‘Wag magpakitang nandidiri. Marahil nakakadiri ang itsura at amoy ng dumi at ihi ni baby. Pero posibleng ma-discourage siya ‘pag may nararamdaman siyang masama mula sa ‘yo. Idaan sa tuwa at ipakita kay baby na happy kang ginagamit niya ang potty.
Mag-set ng routine. ‘Pag pumayag na si baby na umupo sa potty para umihi at magdumi, bigyan mo na siya ng routine. Pwede mo siyang dalhin sa potty paggising niya, pagkatapos kumain, at bago matulog. ‘Pag ready na siyang matulog na walang diaper, pwede mo rin siyang gisingin every night para gamitin ang potty.
Maglapit ng mga libro o laruan sa potty. ‘Pag kaya na niyang pumunta sa potty mag-isa, pwede kang maglagay ng picture books at toys doon na madali niyang abutin para manatili siyang interesado.
I-reward si baby. Pwede mo siyang i-surprise at bigyan ng simpleng reward tulad ng sticker ‘pag successful niyang nagamit ang potty. Pwede mo rin siyang purihin at palakpakan para ma-encourage siya. I-encourage mo ring gawin ito ng mga ibang tao sa bahay.
Bigyan ng control si baby. Hayaan mong sabihin ni baby kung kailan siya pupuntang potty at kung gaano katagal. Hayaan mo rin siyang panoorin kang gumamit ng toilet para maintindihan niya na normal din ito para sa iyo.
Ipasuot sa kanya ang tamang damit. Habang nagpo-potty train, importanteng ipasuot kay baby ang mga maluluwag na damit para madaling hubarin o buksan ‘pag kailangan niyang umihi o dumumi.
Tandaan: Bonding ninyo bilang mag-ina ang potty training ni baby. Kilalanin siya para malaman kung ano ang signs na gusto na niya gumamit ng potty.
This website provides general information for educational purposes only. For concerns about your pregnancy, consult with your healthcare professional.