Marunong sa Label, Marunong sa Nutrition
Ang label sa package ng mga products ay may information tungkol sa nutritional content nito. Kaya mommy, check the label para malaman aling products ang mabuti para sa iyong anak!
Principal Diplay Panel
Dito nakalagay ang brand ng product, kasama ang ilang important information
Best Before Date: Petsa na nagsasaad ng shelf life ng product, kung hanggang kalian pinakamahusay ang quality nito.
Manufacture Date: Petsa kung kailan ginawa ang product. Pumili ng product na malapit sa kanyang Manufacture Date.
Ingredient List: Mga sangkap ng product. Dito mo pwede i-check kung may ingredients na allergic si baby, gaya ng eggs, gluten, nuts, lactose, atbp. Makikita rin dito kung gumagamit ang product ng preservatives, additives, artificial, o natural flavors.
Net Weight: Kung gaano kabigat ang product ‘pag di kasama ang bigat ng packaging.
Directions of Use: Paraan kung paano gamitin ang product. Madalas mahahanap mo ito sa mga pagkain na kailangan i-prepare. Importante itong basahin bago gamitin ang product.
Nutrional Label
Dito nakalagay ang mga nutritional value ng product.
Serving size: Recommended intake ng isang product, tulad ng 1 cup o 30g of biscuits.
Calories: Kung gaano karaming energy ang binibigay ng food.
Protein: Kung gaano karami ang nilalamang protein ng isang product.
Total Carbohydrates: Kung gaano karami ang carbohydrates ng isang product. Hanapin ang percent ng sugar at fiber sa ilalim nito. Pumili ng pagkain na low in sugar at high in fiber.
Total Fat: Kung gaano karami ang fats ng product. Limitahan ang fat sa diet ni baby dahil posibleng magdulot ito ng obesity o iba pang problema sa paglaki niya.
Vitamin & mineral content: Mga nilalamang nutrients, tulad ng Vitamin A, Vitamin C, Calcium, at Iron. Pumili ng products na may maraming nutrients dahil good sila for baby.
Remember: Hindi sasabihin ng label kung ano ang good for baby. Binibigay lang nito ang information para makapag-decide ka kung ano ang dapat ibigay sa kanya.
This website provides general information for educational purposes only. For concerns about your pregnancy, consult with your healthcare professional.