Diet ni Mommy, Diet ni Baby
Mommy, ngayong nagbubuntis ka, marahil ay mas magana kang kumain.
Pero lagi mo lang tatandaan : Quality over quantity.
At dahil ang diet mo ay diet din ni baby, siguruhin lang na mayroon kang balanced diet na nagbibigay ng tamang nutrition para sa inyong dalawa.
Narito ang ilan sa mga mabuting choices for mommy and baby. Laging tanungin si doktor kung ano ang magandang balance ng pagkain at kung gaano karami ang bagay sa iyo.
Menu for Mommy-to-be
Mga prutas at/o gulay | 5/araw minimum |
|
Tinapay, cereal, patatas, kanin, at pasta | Sa bawat pagkain |
|
Gatas at ibang dairy products | 3/araw |
|
Karne, isda, at itlog | 1-2/araw |
|
Taba at mantika | Limitahan ang pagkain |
|
Matatamis | Limitahan ang pagkain |
|
Inumin | Limitahan ang pag-inom |
|
Asin | Limitahan ang pagkain |
|
Physical Activities | At least 30 minutes ng paglalakad bawat araw |
|
Bad ba ang fat?
Nakabubuti rin sa ‘yo ang healthy fats in moderation! Pumili ng unsaturated fats tulad ng mani, buto, abukado, olive oil, at salmon para sa kanilang omega-3 fatty acids.
Nutrients, vitamins, at minerals
Nutrients | Para Sa | Mula Sa |
Protein | Mahalaga sa paglaki at pag-develop | Karne, isda, itlog, keso, beans |
Carbohydrates | Nagbibigay ng energy | Pasta, kanin, tinapay, patatas, gulay, prutas |
DHA (docosahexaenoic acid) | Importante sa development ng utak at mata | Isda, supplements |
Probiotics | Immunity ng bituka, pampigil sa allergy | Probiotic products tulad ng probiotic yogurt, supplements |
Vitamins | ||
Folic acid | Pumipigil sa neural tube defects (sa may spinal cord) | Dark green leafy vegetables, dried beans, mani, wholemeal |
Vitamin B1 (Thiamine) | Importante para sa muscle growth and function | Karne, patatas, wholemeal products |
Vitamin B2 (Riboflavin) | Importante para sa metabolism | Dairy products, karne, isda, itlog, wholemeal products |
Vitamin B12 | Importante para sa maturation ng central nervous system | Isda, karne, poultry, dairy |
Vitamin C | Importante para sa immune system, collagen synthesis | Citrus fruits, mga sili, kamatis |
Vitamin A | Importante para sa paglaki at visual function | Karot, kangkong (for beta-carotene) |
Vitamin D | Pagbuo ng mga buto | Isda, pula ng itlog |
Vitamin E | Muscles, antioxidant | Wheat germ oil, wholemeal products |
Minerals & trace elements | ||
Calcium | Importante para sa pagbuo at pagtibay ng mga buto at ngipin | Gatas, keso, dairy products, broccoli |
Magnesium | Nagreregula ng energy para sa metabolism, nerve transmission, at muscular contraction | Mani, buto, wholemeal, gulay |
Iron | Importante para sa pagtaas ng blood volume | Karne, kangkong, lentils |
Iodine | Metabolism sa paglaki ni baby | Isda, iodized salt |
Selenium | Antioxidant | Karne, isda, itlog, lentils, asparagus |
Zinc | Growth, immune system | Karne, dairy products, isda |
References:
United States Department of Agriculture (USDA). Making healthy choices in each food group. Version current 30 June 2015. Internet: http://www.choosemyplate.gov/moms-making-healthy-food-choices (accessed 24 September 2015).
This website provides general information for educational purposes only. For concerns about your pregnancy, consult with your healthcare professional.
Related articles